NAGA CITY- Magkasabay na ngayon na nakaburol sa kanilang bahay ang lalaki na nabagsakan ng tatlong puno ng papaya habang naghuhugas ng pinagkainan at ang kanyang ina sa Sagñay, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na isang 21-anyos na lalaki na residente sa nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Jhuna Esplana, PCR PNCO ng Sagñay Municipal Police Office, sinabi nito na habang naghuhugas ng plato ang biktima sa kanilang kusina sa labas ng kanilang ng matumba ang mga kahoy ng papaya na tumama sa kanyang leeg.
Matapos na matamaan ay natumba pa ito sa lupa at nakatama pa ang kanyang mukha sa bato.
Agad naman dinala sa ospital ang biktima ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito umabot ng buhay at tuluyang idineklara na dead on arrival ng doktor.
Dagdag pa ni Esplana na posibleng natumba ang puno ng papaya dahil sa malakas na hanging at pag-ulan na epekto naman ng nagdaang Bagyong Carina.
Napag-alaman rin na umuwi lamang ito sa kanilang bahay upang bantayan ang lamay ng kanyang namayapang ina.
Samantala, nag paabot na rin ng tulong ang lokal na gobyerno ng Sagñay sa pamilya ng nasabing biktima.
Sa ngayon ay panawag na lamang ng opisyal sa lahat na mag doble ingat at kung pwede ay manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay tuwing masamang ang panahon upang makaiwas sa anumang aksidente.