NAGA CITY-Patay ang isang mangingisda matapos itong pagbabarilin sa Patnanungan, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Mavin, 35 anyos, residente ng Sitio Guinaygayan, Barangay Poblacion ng nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang sakay sa Suzuki GD100 na motorsiklo nito, papunta sana ang biktima sa Poblacion ng Patnanungan galing ng Sitio Guinaygayan, nang bigla na lang itong hinarang ng hindi pa nakikilalang gunman.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, sa hindi pa nalalamang raon ay bigla na lang nitong ilang beses na pinagbabaril an biktima na kaagad nitong kinamatay.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng insidente ang tatlong fired cartridge ng isang kalibre 9mm na baril, isang Suzuki GD100 na motorsiklo, at isang motorsiklong Honda TMX 155.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring insidente.