NAGA CITY- Patay ang isang miyembro ng tropa ng pamahalaan dahil sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng Philippine Army at pinaniniwalaang Counter-Terrorists group sa Brgy. Salvacion, San Fernando, Masbate.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, napag-alaman na habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang tropa, dito na umano sila pinaulanan ng bala ng di pa matukoy na bilang ng mga teroristang grupo.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, narekober sa pinangyarihan ng engkwentro ang limang M16 rifle asin sarong M203.
Samantala, agad namang nagsagawa ng checkpoint sa border ng Brgy Progreso at Brgy Magsasaka ang mga otoridad ng San Fernando PNP habang nakipag-ugnayan naman ang Masbate Police Provincial Office sa mga otoridad ng Ticao island upang magsagawa ng checkpoint operations sa kanilang Areas of responsibility.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng mga terorista hinggil sa naturang insidente.