NAGA CITY- Pinaniniwalaang ninakawan ang Municipal Hall ng Pili, Camarines Sur.

Sa inilabas na impormasyon ng lokal na pamahalaan ng kan naturang bayan, nabatid na nang buksan ang opisina ng Gender and Development office sa pangunguna ni Blezilda Rañola Betchayda, nadiskubre na lamang ang mga magugulong gamit sa loob nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid rin na ilang mga gamit ang nawala dito.

Kaugnay nito, hindi pa rin malaman ang dahilan ng nasabing panloob sa naturang opisina.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa insidente.