NAGA CITY- Binigyan-diin ng isang opisyal ng PNP ang importansya ng pagtatanim ng punong kahoy.
Ito ay kasabay ng isinagawang Tree planting activity sa Zone 2 Balatan Road, Brgy. Odicon, Pasacao, Camarines Sur nitong Hunyo 1, 2024.
Ayon ay PCol. Julius Caesar Domingo, Police Director ng Philippine National Police na ang nasabing aktibidad ay merong layuning na maipakita sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pagtatanim para sa ating kalikasan.
Maliban pa dito, magiging pamana rin umano nila ito sa mga susunod pang mga henerasyon.
Dagdag pa ng opisyal, malaking tulong rin ito sa nararanasan natin ngayon na climate change.
Samantala, layunin rin ng kanilang panig na maisagawa ang 10M na pamana ng mga tinanim na kahoy para sa mga kabataan.
Binigyan-diin rin ng opisyal na isa umano sa tungkulin ng mga tauhan ng gobyerno ay maipakita ang magandang ehemplo sa mga mamamayan lalo na ang pagbibigay ng importansya upang mapanatili ang kabutihan ng ating kalikasan.