NAGA CITY-Nakuha ang isang wala nang buhay na sanggol sa Pagbilao, Quezon.
Kinilala ang biktima na isang 7 buwan na lalakeng sanggol.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng tawag ang Pagbilao Municipal Police Station galing sa isang barangay official ng Brgy. Ilayang Polo ng nabanggit na bayan na may nalunod aniya sa dagat malapit sa Sitio Resettlement ng nabanggit na barangay.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-11 ng umaga aniya ng Mayo 26 nang makita ng isang Leo R. Mercader Jr. at tatlong kapatid nito ang palutang-lutang na katawan ng sanggol.
Kaagad naman nilang kinuha ang katawan nito sa dagat at dinala ito sa barangay hall ng kanilang barangay.
Alas-5 naman aniya ng umaga sa bahay ng biktima sa Brgy. Punta, Padre Burgos, nang tumama ang isang malaking alon dito, rason upang ang sanggol na biktima ay mahulog sa dagat at malunod.
Sa ngunyan, nakuha na ng ina ng biktima ang katawan nito.