NAGA CITY- Malaking karangalan para sa bayan ng Pili, Camarines Sur ang pagkilala na iginawad sa isa sa kanilang residente na miyembro ng 4ps.
Sa nagin panayam ng Bombo Radyo Naga kay Pili Mayor Tom Bongalonta, sinabi nito na ang nasabing pagkilala ay pangalawa na nakuha ng kanilang bayan kung saan ngayon ay para sa Huwarang Pamilya na iginawad ng Regional Office ng DSWD.
Ayon sa alkalde, ang nasabing parangal ay ibinibigay sa mga 4ps member na nakapagtapos ng kanilang mga anak at aktibo sa komunidad.
Ito ay maikokonsidera kasi na huwaran para sa mga kapwa nito miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, kung saan nagpapakita na kayang maging mabuti ang buhay ng bawat pamilya na puno ng pagsusumikap at responsable sa kanilang natatanggap ng tulong mula sa gobyerno.
Sa ngayon ay hiling na lamang ni Bongalonta sa kaniyang mga residentes na gamitin ang mga ibinibigay na tulong ng gobyerno para sa ikakaginhawa ng kanilang mga buhay at makatulong sa komunidad.