NAGA CITY-Patay ang isang taong gulang na bata matapos na maatrasan ng Jeep sa Lucena City.

Napag-alaman na ang nasabing biktima ang residente ng Salamillas Compund 2, Brgy. Isabang sa nasabing lungsod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang inaatras ni Orlie Rama, 48-anyos, residente ng nabanggit na lugar, ang kanyang pinagmamanehong jeep sa may parking space nito nang aksidenteng maatrasan ang biktima. Huminto naman ito subalit huli na.

Sa inisyal na imbestigasyon pa ng mga awtoridad, nabatid na nagtamo ng severe head injuries ang biktima na agad namang dinala sa ospital subalit binawian na rin ng buhay.

Samantala, aminado naman ang ina ng biktima na hindi nito napansin na nakalabas ang kanyang anak.

Sa ngayon, inihahanda na ang kasong isasampa kay Rama.