NAGA CITY-Patay ang isang teacher sa Palsong, Bula, pagkatapos na aksidente itong masagasaan.

Kinilala ang biktima na si Gina Bolival, 52 anyos, residente ng Zone 5, Palsong, Bula, Camarines Sur.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Bula Municipal Police Station, nadiskubre sa CCTV Footage na naglalakad sa tabi ng daan ang biktima nang bigla na lang itong tumakbo sa gitna ng daan kung saan aksidente itong nasagasaan ng isang puting Sinotruck na Dump Truck na minamaneho ni alyas Romeo, 38 anyos, residente ng Zone 4B, Pinit, Ocampo, Camarines Sur.

Dahil dito, nakakuha ito ng injury sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan.

Kaagad naman na dinala ang biktima sa isang ospital para sa tulong medikal, ngunit idineklara rin lang itong dead-on-arrival ng doktor.

Sa ngayon, dinala na ang suspek at ang kanyang behikulo sa Bula Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.