NAGA CITY- Sinalakay ng mga tauhan ng CIDG Camarines Sur ang isang warehouse sa Naga City dahil sa umano’y maling pag-imbak ng DSWD food packs, kahapon Enero 08, 2025.

Sa pangunguna ng DSWD, kasama ang CIDG pinasok ang isang pribadong Bodega ng GIBO Coop na makikita sa Barangay Concepcion Grande, Naga City.

Nasa 1,679 ng DSWD Food packs ang naka-imbak at ayon sa impormasyon, nakalaan ito para sa opisina ni 3rd District Representative Gabby Bordado.

Kaugnay nito, pag-aaralan ng legal department ng DSWD kung may pananagutan dito ang opisina ng naturang mambabatas.

Samantala, nakapaloob sa batas na RA 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 na kinakailangang ipamahagi ang food packs sa loob ng Pitong araw at hindi ito pwedeng itago sa pribadong warehouse.