Alam ba ninyo mga ka-bombo, ang Benten Mountain sa Tokushima Prefecture, ang kinilala bilang Japan’s shortest natural mountain na mayroong taas na umaabot sa 6.1 meters at diameter na mas mababa pa sa 60 meters.

Ang naturang Benten Mountain ay makukuha sa palayan sa kahabaan ng Tokushima’s Prefectural Road 10.

Batay sa report hindi lamang sa bansang Japan itinuturing ang Benten Mountain bilang shortest mountain kundi maging sa buong mundo.

Para sa mga ordinaryong tao, kayang akyatin ang bundok sa loob ng isang minuto kung kaya halos 10,000 na mga turista ang bumibisita dito taon-taon dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ayon sa ilang mga turista, bumisita umano ang mga ito upang personal na maranasan ang pag-akyat sa nasabing bundok habang ang iba ay upang makita ang kagandahan ng wax tress, camelias at maabot ang tsukushima Shrine na ginawa bilang pagbibigay pugay kay Benzaiten ang Diyosa ng Karunungan.