NAGA CITY- Mas naging maingat at mabilis ang pamahalaan ng Japan sa pagtugon sa panibagong hamon dulot ng bagong variant ng COVID-19.
Ito rin ang dahilan kung kaya mabilis na ang pag-agap ng pamahalaan lalo na nang maitala ang unang kaso ng Omicron variat sa bansa.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Hershey Nazrishvili, mula sa Japan, sinabi nito na iniiwasan na kasi ng pamahalaan sa bansa na maulit ang naunang pagkakamali sa pagtugon sa sakit noong nakaraang taon.
Mababatid na binatikos ang Japan dahil sa mabagal na pag-usad ng vaccination sa bansa.
Aniya, mabilis na nagpatupad si Prime Minister Fumio Kishida ng mga travel restrictions sa mga biyahero na lalo na iyong nagmula sa South Afica.
Sa kabila nito, nanatili pa ring contain ang nasabing bagong variant dahil kaagad naman na napasok sa Government medical facility ang dalawang nagpositibo dito.
Samantala, wala pa namang pagbabago sa mga pinapatupad na protocols sa bansa.
Sa katunayan aniya, may mga pasok pa sa paaralan, opisina at bukas pa rin ang mga negosyo habang wala ring curfew hours.
Ngunit, inaasahan na ng mga residente sa bansa na kalaunan ay posibleng magpatupad ng mahigpit na interventions lalo na ngayong winter season.
Kaugnay nito, wala naman aniyang magiging problema sakaling magdeklara ng state of emergency sa Japan dahil suportado naman ng mga mamamayan ang mga programa ng kanilang pamahalaan.