NAGA CITY – Isasagawa ang Job Fair sa mga Persons with disability (PWDs) sa darating na Agosto 29, 2024 sa JMR Museum.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Naga City Elmer Baldemoro, sinabi nito na layuning na nasabing aktibidad ay upang mabigyan ng oportunidad ang mga Person with disability (PWDs) na makakuha ng trabaho, lalo na’t kapag nakikipagsabayan ang mga ito sa mga usual na job fair hindi ito nabigyan ng oportunidad na ma-hire ng employer.
Sa ngunyan mayroon ay mayroon ng 10 employeer nag-signify ang makiisa sa paraan ng Metro Peso, Person With Disability Office at an City Hall.
Hinimok rin ng opisyal ang PWDs, na may kakayahan pang magtrabaho na huwag sayangin ang ganitong oportunidad lalo na at ang programang ito ay malinaw sa mga employer na ang mga tatanggapin na mga employee ay mga nasa ganitong sektor.
Ang mga employer ay umano ay magkakaroon din ng incentives o deduction sa buwis sa bawat PWDs na bibigyan ng trabaho.
Maliban pa dito, magkakaroon rin ng PWD Congress sa darating ng Setyembre upang e-review ang PWD Code at pag revisit ng mga rights at benepisyo, at upang pag-usapan ang mga programa na dapat natatanggap ng mga PWDs.