Inaasahan ng House Committee on Justice ang paghahain ng petisyon upang ipatigil ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ay matapos maghain ng temporary restraining order (TRO) si Atty. Israelito Torreon sa Korte Suprema kahapon, Marso 27, upang suspindihin ang mga impeachment proceedings.

Sa isang pulong balitaan ngayong Sabado, Marso 28, inihayag ni House Committee on Justice Vice Chairperson Representative Ysabel Zamora na matagal nang pinaghandaan ang TRO bago pa man ang unang impeachment hearing. Giit ng mambabatas, mahigit 100 pahina ang naturang petisyon, kaya’t imposible umano itong mabuo sa loob lamang ng ilang araw.

Dumipensa rin si Rep. Zamora sa pagkwestyon sa mga alituntunin ng Kamara de Representantes at ng Justice Committee. Ayon sa kanya, sinusunod lamang nila ang kanilang tungkulin alinsunod sa Konstitusyon at sa itinatakda ng naging desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Pangalawang Pangulo.

Advertisement

Naniniwala rin si Zamora, na isa ring abogado, na hindi magkakaroon ng constitutional crisis, at umaasa siyang magpapasya “nang wasto at judiciously” ang Korte Suprema sa isyung ito.

Advertisement