NAGA CITY- Taas-puso ang pasasalamat ngayon ng pamilya ni Carlo Paalam kasunod ng pagkakapanalo sa semifinals sa larangan ng boxing sa nagpapadagos na Tokyo Olympics.
Sa panayam ng Bombo Radyo Nga kay Pioreo Paalam, ama ng nasabing atleta, sinabi nito na magkahalong kaba at kasiyahan ang kaniyang nararamdaman para sa laban ni Carlo.
Aniya, 9-anyos pa lamang umano si Carlo nang pumasok ito sa boxing.
Dagdag pa nito, labis na nakatulong sa nasabing atleta ang pagpupursige nito sa mga training gayundin naman ang suporta at dasal mula sa buong Pilipinas.
Samantala, maliban sa pagiging tutok ni Carlo sa boxing patuloy pa rin itong tumutulong sa kaniyang pamilya.
Sa ngayon, hangad pa ng pamilya Paalam ang suporta para sa natitira pang laban ng nasabing atleta sa nagpaaptuloy na Tokyo Olympics.