Naglunsad ng Kalbaryo 2026 ang mga urban poor groups, simbahan, at civil society organizations sa fire-hit NIA Road settlement ngayong Marso 31, 2026, bilang panawagan laban sa sapilitang pagpapalayas at para sa disenteng pabahay.

Nagtipon ang mga lider at miyembro ng iba’t ibang urban poor organizations, kasama ang mga simbahan at civil society groups, sa fire-hit NIA Road settlement na tinaguriang “Ground Zero” ngayong Marso 31, 2026 upang ilunsad ang Kalbaryo 2026 ngayong panahon ng Kuwaresma.

Sa aktibidad, ginamit ang tradisyunal na Way of the Cross bilang isang anyo ng protesta laban sa sapilitang pagpapalayas, pagtaas ng gastusin, at kakulangan sa maayos na pabahay.

Nanawagan ang mga kalahok ng total loan condonation at pagkakaloob ng makatao at disenteng pabahay para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Advertisement
Advertisement