NAGA CITY – Positibo ang kampo ni Vice President Leni Robredo na may makikitang magandang resulta sakaling seryosohin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng kapangyarihan kay Robredo na pangunahan ang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jun Lavadia, former Councilor ng lungsod ng Naga, binigyaang diin nitong handa ang Bise Presidente sa obligasyon at may magagawa umano itong stratihiya upang masolusunan ang problema ng gobyerno sa droga.
Sa loob umano ng anim na buwan naniniwala siyang malaki ang magagawang pagbabago ni Robredo sa kampaya laban sa iligal na droga sa bansa.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni Lavadia na kung nagbibiro lamang ang Pangulo, maaaring siniriraan lamang nito si Robredo dahil sa naging komento nito na hindi naging matagumpay ang drug war ng administrasyon.
Samantala nanawagan naman si Lavadia sa mga mamamayan na ibigay ang suporta sa bise Presidente sakaling magkatotoo ang pahayag ni Pangulong Duterte.