NAGA CITY- Buo ang tiwala ng kampo ni Vice President Leni Robredo na tatanggapin nito ang alok ni Presidente Rodrigo Duterte na magingdrug czar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Former Naga City Councilor Julian Lavadia, sinabi nitong naniniwala silang magagampanan ng mabuti ni Robredo ang nasabing responsibilidad.
Aniya, pagkakataon na ito Robredo para maipakita na kaya nitong makontrol ang iligal na droga sa bansa katuwang ang iba’t ibang ahensya.
Ngunit ayon kay Lavadia, pwede rin itong maging disadvantage sa Bise Presidente lalo na kung may ibang agenda ang Malakanyang sa likod ng nasabing hakbang.
Sa ngayon nakaabang lamang aniya sila sa magigin desisyon ng Bise Presidente.