Kinumpirma ng mga awtoridad na kabilang sa mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 noong Enero ang kapitan nitong si Capt. Sonie Secuban.
Natukoy ang pagkakakilanlan ni Secuban matapos suriin ng mga police forensic experts ang DNA samples mula sa kanyang mga kaanak, kabilang ang kanyang anak na lalaki.
Ayon sa ulat, pito sa mga bangkay na narekober mula sa barko ang nasuri, at isa rito ang kapitan. Dahil dito, napabulaanan ang kumalat na impormasyon na umano’y tumakas siya habang lumulubog ang barko.
Sa kabuuan, umabot sa 65 ang mga nasawi sa trahedya, habang 293 ang nakaligtas at 14 pa ang nawawala. Patuloy naman ang imbestigasyon sa ilang opisyal na sangkot sa paghahanda ng mga dokumento at pagpapahintulot sa barko na maglayag.
Advertisement
Advertisement









