NAGA CITY – Ikinasal na sina Camarines Sur Governor Migz Villafuerte at Ms. Phl-Universe 2017 Rachel Peters sa Korte Suprema.

Sa facebook post ng gobernador, labis ang pasasalamat nito kina Chief Justice Gesmundo at Justice Gaerlan na nagsagawa ng seremonya.

Inilarawan din ni Villafuerte si Peters bilang kaniyang “Dream Woman.”

Aniya, hindi na ito makapaghintay na maikasal ki Peters sa susunod na taon sa harap ng kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan lalo na umano sa hinihintay na paglabas ng kanilang first baby.

Advertisement

Kung maaalala, taong 2019 ng isapubliko ng naturang couple ang kanilang engagement habang Mayo 2021 naman ng ibahagi ni Peters sa Instagram ang kaniyang pagbubuntis.

Sa ngayon, labis na lamang ang kasiyahan ng dalawa sa matagumpay na pag-iisang dibdib.

Advertisement