Kaso ng COVID-19 sa Bicol, 224 na; 8 bagong kaso, naitala
NAGA CITY- Walong panibagong kaso na naman ng COVID-19 ang naitala sa Bicol Region.
Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, mayroon na sa ngayon ng kabuuang bilang na 224 habang 129 namn dito ang mga Active cases.
Sa walong kaso, apat dito ang mula sa Sipocot, isa sa Baao, isa sa Naga City, isa sa Oas at isa naman sa Legazpi City.
Kaugnay nito, muling nagpaalala ang DOH sa Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Overseas Filipinos (ROFs) at close contacts ng mga confirmed COVID-19 cases na sumunod sa quarantine at isolation procedures.
Habang ang publiko naman ang dapat na magsunod sa health protocols gaya ng social distancing, paggamit ng facemask, hand washing, cough etiquette, healthy lifestyle at manatili na muna sa mga bahay.