NAGA CITY- Posible pa aniyang umabot sa mahigit isang libo ang bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon ng Bicol pagdating ng kalagitnaan ng Enero sa susunod na taon.
Ito ang naging pahayag ni DOH-Bicol, Regional Director Ernie Vera sa pagharap nito sa mga kagawad ng media.
Aniya, sa naturang bilang posibleng unmabot sa halos 200 ang bilang ng mga severe cases habang posible namang umabot sa 70 ang bilang ng mga kritikal ang kondisyon.
Ito ay kung hindi gagawin ng mga mamamayan ang kanilang parte para sa pagsugpo sa naturang sakit.
Inamin din nito na lubhang nakakabahala ang naturang mga bilang.
Sa ngayon aniya, hindi ito ang panahon ng pagsisisihan bagkus ito ang pagkakataon upang magkaisa sapagkat ang lahat ay may papel sa kasalukuyang pandemya.