NAGA CITY- Pumalo na sa sampo ang ang nag positibo sa coronavirus disease sa Bicol Region.
Sa impormasyon na inilabas ng Department of Health (DOH) nabatid na may panibagong tatlong kaso sa rehiyon, ito ay pawang mula sa probinsya ng albay na kinabibilangan ng 65-anyos lalaki at 40-anyos lalaki na napagalaman na nagkaroon ang mga ito ng close contact sa isa sa mga una ng nag positibo sa virus.
Habang 43-anyos naman na lalaki ang ika sampu sa mga nagpositibo na mayroong travel history mula sa Metro Manila at mga naka-admitted sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).
Ito ay makalipas lamang ang ilang oras ng unang ianunsyo ng ahensya ang dalawang pang nag positibo sa lugar na mula sa probinsya ng albay at isa naman sa Camarines Sur.
Sa ngayon may kabuoang pitong kaso sa covid-19 sa probinsya ng Albay, 2 sa Camarines Sur at isa naman sa lungsod ng Naga.
Muling nagpaalala ang DOH sa publiko sa striktong pag sunod sa mga polisiya at sa enhanced community quarantine procedures.