NAGA CITY- Walong panibagong kaso na naman ng coronavirus disease ang naitala sa Bicol Region.
Sa datos ng Department of Health Center for Health Development (DOH CHD) – Bicol, mayroon na ngayong kabuuang 154 kaso habang 70 naman ang active cases.
Sa walong bagong kaso, dalawa dito ang mula sa Camarines Sur (Naga City asin Iriga City), dalawa sa Camarines Norte, isa sa Catanduanes at tatlo sa Masbate.
Ang dalawang kaso sa Daet sa Camarines Norte ang pinakaunang kaso na naitala sa naturang lugar.
Samantala, sa 8 new confirmed cases, anim dito ang Locally Stranded Individuals (LSIs) habang may close contact naman sa confirmed COVID-19 cases ang dalawa.