NAGA CITY– Umakyat na sa pito ang bilang ng nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Bicol Region.
Sa naging pahayag ng Department of Health (DOH-Bicol) kinumpirma nito ang dalawang panibagong kaso mula sa lalawigan ng Camarines Sur at Albay.
Napag-alaman na isang 60 anyos na babae ang bagong nagpositibo sa Camarines Sur habang isang 63-anyos naman na lalaki sa Albay at kasalukuyang naka-admit sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH).
Tiniyak naman ng ahensya na nasa maayos ng kalagayan na sa ngayon ang nasabing mga pasyente.
Sa ngayon may kabuang apat ng nagpositibo sa Albay, dalawa sa Camarines Sur at isa sa Naga City.
Samantala, patuloy namang pinag-iingat ng nasabing ahensya ang publiko hinggil sa patuloy na pagkalat ng naturang sakit.