Photo © web

NAGA CITY- Tumaas ang bilang ng mga na-hacked ang kanilang e-wallet accounts sa kasagsagagan ng obserbasyon nang Semanta Santa sa ilang lalawigan sa Bicol Region.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCPT. Angelo Babagay, Head ng PNP Cybercrime Unit, sinabi nito na dahil abala ang mga tao lalo na noong nakaraang Huwebes at Biyernes Santo kaya dumami ang mga nabibiktima ng hacking.

Ayon kay Babagay, kadalasan umano mga gcash users ang mga nabibiktima kung saan nagpapadala ng mensahe sa mga kakilala nito gamit ang mga na-hacked na account.

Magpapanggap ang mga hackers o scammers na nangangailangan ng pera at manghihiram sa mga kaanak o kakilala ng biktima.

Advertisement

Kaugnay nito, dahil abala sa iba’t ibang mga religous activity na mayroong kinalaman sa obserbasyon ng Holy Week ang iba ay agad-agad na nagpapadala o nagbibigay ng pera kahit walang katiyakan na totoo ang kanilang natanggap na mensahe.

Ang mga ganitong sitwasyon ay sinasamantala umano ng mga masasamang loob na nagreresulta sa pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng cybercrimes.

Dagdag pa ni Babagay, nakitaan ng pagtaas ng nasabing kaso sa lalawigan ng Camarines Sur, Camarines Norte at iba pang probinsiya sa Rehiyong Bikol.

Samantala, inihayag naman ni Babagay na naging generally peaceful ang buong durasyon ng Holy Week sa lalawigan ng Camarines Sur.

Sa ngayon, muli namang pinaalalahanan ng opisyal ang publiko na iwasang kaagad na mag-click sa mga natatanggap na link upang hindi mabiktima.

Advertisement