NAGA CITY – Nadagdagan pa ang bilang ng teenage pregnancy na naitala sa Barangay Triangulo, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Jane Sto. Domingo, Barangay Health Worker ng nasabing barangay, sinabi nito na nakitaan ng pagtaas ang bilang ng kaso nito sa kanilang barangay kumpara noong nakaraang taon.
Sa kasalukuyan ay may 31 kaso na sa kanilang lugar kung saan ang pinakabata dito ay 13 taong gulang pa lamang. Kabilang dito ang paulit-ulit na pagbubuntis.
Ayon pa kay Sto. Domingo, ang SK sa kanilang mga barangay ay mayroon ding mga programa para sa mga maagang nabuntis habang nagbibigay din sila ng libreng check up at dinadala sila sa Nutri Nanay at Nutri-Ataman sa City People’s Hall.
Samantala, isa naman ang problema sa pamilya sa mga itinuturong dahilan kung bakit nangyayari ang mga ganitong kaso.
Maliban pa dito, hinikayat rin ni Domingo na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang matulungan ang kanilang mga anak at mabigyan sila ng magandang kinabukasan.