NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Tayabas City.

Ang nasabing biktima ay nakasuot ng pulang sando at asul na jersey shorts at may tattoo sa kaniyang kaliwang braso.

Sa nakalap na impormasyon kan Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakita na lamang ng isang residente na kinilalang si Jerson Franciso Mission ang wala nang buhay na katawan ng sa isang kalsada na sakop ng Brgy. Wakas sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman pa na ang katawan ng nasabing biktima ay nababalot ng duct tape habang may nakatakip din na itim na damit sa ulo nito, nakaposas ang mga kamay at mayroon pang tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan.

Samantala, mayroon din umanong nakitang sasakyan si Mission sa pinangyarihan ng insidente na agad namang tumakas sa hindi pa malaman na direksyon.

Sa ngayon, nagpapapatuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente gayundin ang pagtukoy sa posibleng pagkakakilanlan ng biktima gayundin ang pagtunton sa mga suspek.