NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Lucena City.
Kinilala ang biktima na si Noel Susing Conde, 58-anyos, residente ng Purok Magkakapatid, #121 F.Daleon St., Brgy. Ilayang Iyam, sa nasabing lungsod.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na ang walang buhay na biktima ay natagpuan na lamang ng kanyang katrabaho sa loob ng bahay na pag-aari ng biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na bago ang insidente ay sumasakit ang dibdib ni Conde dahil sa acid reflux na pinalala ng pag-inom ng alak.
Samantala, wala namang nakitang foul play sa pinangyarihan ng insidente.
Sa ngunyan ay nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.