NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Tayabas City.

Kinilala ang biktima na si Juanito Zarsadias Ramirez, 59-anyos, residente ng Brgy. Potol sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na natagpuan na lamang ng kapatid na babae ng biktima na si Anastacia Elio, ang katawan ni Juanito na wala ng buhay sa higaan nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na bago mangyari ang nasabing insidente nag-inom ng alak ang biktima ng halos maghapon na walang kinain.

Samantala, wala naman umanong nakitang indikasyon na nagkaroon ng foul play sa nasabing insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.