NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si alyas Eugenio, residente ng Purok Pagkakaisa, Brgy. Cotta, sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nagsasagawa ng kanilang routine na pag-iikot sa PNR Compound sa Purok Pagkakaisa, Brgy. Cotta, Lucena City sina SG Bresenio at SG Fulgencio para sa security purposes ng makita ng mga ito ang wala ng buhay na katawan ng biktima sa loob ng stack nang synthetic tiles.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, nabatid na bago pa ang insidente si alyas Eugenio ang nakaranas na ng heart attack.

Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga kapulisan patungkol sa insidente.