NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang katawan ng isang senior citizen na tubero habang hubo’t-hubad sa isang baracks sa compound ng DYD Hub, Brgy. Dayangdang, Naga City.

Kinilala ang biktima na si Ramon Verdadero, 67-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. San Antonio, San Jose, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Senior Master Sgt. Toby Bongon, tagapagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nito na tatawagin sana umano ang biktima ng isang sarong kusinero sa nasabing bar na si Alexander Dolor mula sa baracks dahil mayroon umano itong ipapaayos na tubo pero walang sumasagot.

Dahil dito, sinilip ito ni Dolor mula sa siwang ng pinto pero dito na nito nakita ang nakataob na katawan ni Verdadero na wala nang buhay.

Dagdag pa nang opisyal, limang araw na umano na hindi lumalabas ang biktima mula sa baracks kun saan huli itong nakita na buhay noong Enero 19, 2023 pa.

Ayon pa kay Bongon, tinataya umano nila na kakatapos pa lamang maligo nang biktima at habang nagsususot ng boxer shorts nang ito ang posibleng atakihin sa puso.

Samantala, sinabi pa nito na nasa state of decomposition na ang biktima nang makita.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa insidente.