Pumanaw na ang dating Jason Collins sa edad na 47 matapos ang pakikipaglaban sa glioblastoma, isang agresibong uri ng cancer sa utak, ayon sa kanyang kaanak.
Ayon sa ulat, sumailalim si Collins sa gamutan kabilang ang chemotherapy at nagtungo pa sa Singapore para sa karagdagang medical treatment. Una siyang na-diagnose ng sakit noong nakaraang taon.
Kinumpirma ng kanyang pamilya na glioblastoma ang sanhi ng kanyang pagkamatay, isang uri ng brain cancer na mabilis umanong kumalat at mahirap gamutin.
Si Collins ay naging makasaysayan sa liga matapos niyang aminin noong 2013 na siya ang unang aktibong lalaking atleta sa NBA na hayagang nagpakilalang gay, na tinanggap naman ng malaking bahagi ng basketball community.
Nagpaabot ng pakikiramay si NBA Commissioner Adam Silver, at kinilala ang naging malaking ambag ni Collins sa sports at sa LGBTQ+ representation sa professional basketball.
Naglaro si Collins sa loob ng 13 seasons sa NBA para sa anim na koponan, kabilang ang New Jersey Nets, bago siya magretiro noong 2014. Noong 2014, napabilang din siya sa Time Magazine’s 100 Most Influential People dahil sa kanyang impluwensya sa sports at lipunan.
![]](https://img.bomboradyo.com/naga/2026/05/unnamed-file-696x455.jpg)













