Nagin matagumpay ang kauna-unahang private spacewalk ng ilang crew ng SpaceX capsule.

Si Commission commander at Billionaire Jared Isaacman ang unang lumabas sa capsule, na sinundan ng Mission Specialist at engineer na si Sarah Gillis, habang ang iba pang dalawang crew ay nanatili sa loob ng Capsule.

Mula sa malayo ay natanaw na ang malaking Earth.

Ang spacewalk ay tumagal ng halos 30 minuto.

Isinagawa ito upang subukan ang tibay ng bagong disenyo ng spacesuit at mga procedures para sa capsule.

Noong ika-10 ng Setyembre oras ng Florida sa Amerika, naglunsad ang crew sa kalawakan para sa unang spacewalk