NAGA CITY- Patuloy ang mga kilos-protesta ng ilang grupo upang ipatigil na ang nagpapatuloy na Tokyo Olympics sa Japan.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Hershey Nazrishvili mula sa Tokyo, Japan, sinabi nito na an nasabing protesta ang dahilan pa rin pangamba ng ilang mamamayan sa bansa na baka ang olimpyada pa ang maging dahilan ng pagkalat ng COVID-19 sa lugar.

Dagdag pa ni Hershey, kahit na mahigpit ang pinapatupad na protocols sa loob ng Japan Stadium, hindi naman aniya nasusunod ang social distancing sa labas ng nasabing stadium.

Nabatid na nasa 1,000 katao lamang ang pinayagang pumsok sa stadium kasama na ang mga atleta.

Aniya pa, karamihan sa mga Hapones ang parang walang pakialam sa nagpapatuloy na olimpyada subalit halos mahigit sa kalahati ng populasyon ng bansa ang hindi naman suportado ng mga ito ang Olympics.

Samantala, bago pa man aniya magsimula ang olimpyada, nag-deploy na ang pamahalaan ng Japan ng maraming pulis sa Tokyo upang maiwasan ang mga hindi inaasahang insidente.

Sa ngayon, patuloy na nakikibaka ang mga atletang Pinoy upang maiuwi ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas sa prestihiyosong Tokyo Olympics.