NAGA CITY – Nagbunyi ang bansang Argentina matapos makuha ng kanilang koponan ang panalo laban sa Croatia sa Semi-final ng nagpapatuloy na FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Ian Mar Limbag, mula sa nasabing bansa, labis umano ang kasiyahan ng mga Argentinian matapos ang laro.

Kaugnay nito, nagsilabasan ang mga residente at pumunta sa lungsod mula sa kani-kanilang lalawigan para ipakita ang kanilang malaking pasasalamat sa kanilang mga manlalaro sa pagbandera ng mga kanilang bansa sa prestihiyosong torneyo.

Ayon pa kay Limbag, nagtipon-tipon umano ang mga Argentinian sa isang Plaza o center na suportado ng kanilang pamahalaan kung saan nagkaroon din ng fiesta para ipagdiwang ang magandang balita.

Sa nasambing pagtitipon suot ng mga mamamayan ang kulay ng uniporme ng kanilang koponan kasabay ng kanilang pagbubunyi.

Mababatid, tinalo ng Argentina ang Croatia sa score na 3-0 sa pamamagitan ng tandem nina Football superstar Lionel Messi at Julian Alvarez.

Binigyang-diin din ni Limbag na well prepared ang koponan ng Argentina para patalsikin ang kanilang kalaban at tuluyan nang makausad sa susunod na bahagi ng nagpapatuloy na torneryo.

Sa ngayon, inaasahan ni Limbag na mas magiging exciting pa ang susunod na bahagi ng kompetisyon sa nagpapatuloy na FIFA World Cup Qatar 2022.