NAGA CITY- Kasalukuyan ng nakalagak sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) Headquarters ang limang miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company na nasawi sa nangyareng engkwentro sa Labo, Camarines Norte.
Kinilala ang limang nasawi na sila PCpl Benny Ric Ramos Bacurin, PCpl Joey Dulin Cuartevos, PCpl Jeremie Curioso Alcantara, PSSg Roger Alay Estoy Jr., at PCpl Alex Ludovice Antoquia pawang miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company.
Nabatid na maliban sa mga pamilya ng nasabing mga biktima ay naging emosyonal rin ang mga kasamahan nito sa nasabing hanay.
Kaugnay nito, pangungunahan naman ni Fr. Alejandro Cabonila ang misa na gaganapin mismo sa nasabing campo.
Kung maalala, nagkasagupaan ang pitong miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force laban sa mga pinaniniwalaang rebeldeng grupo sa nasabing lalawigan.
Samantala inaasahan naman ang pag dating ni PLTGen Guillermo Lorenzo Eleazar, OIC, PNP/ Deputy Chief PNP for Administration.
Kung saan, magsasagawa rin ng press breifing na dadalohan naman nin PBGen Bart Bustamante, Regional Director ng PRO-5, at PCol Julius Guadamor, Acting Provincial Director ng CNNPPO.