NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P200-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa isang lolo sa Infanta, Quezon.
Kinilala ang suspek na si Nolito Cuerdo, 62-anyos, residente ng Purok Centro, Brgy. Ilog, sa nasabing bayan.
Sa nakalap ng impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili sa suspek ang nagpanggap na posuer buyer ng isang sachet ng nasabing iligal na droga.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad maliban sa buy-bust item, nakumpiska pa kay Cuerdo ang 11 sachet ng pinaniniwalaang shabu na mayroong bigat na nasa 10 grams at nagkakahalaga ng nasa humigit-kumulang P204,000. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.