Photo by Department of Agriculture-Bicol

NAGA CITY – Nakatanggap ang Labo, Camarines Norte ng P1.5M para sa Young Farmers Enterprise Development.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Lovella Guarin, tagapagsalita ng Department of Agriculture (DA)-Bicol, sinabi nito na ang business development assistance component ay isa lamang sa mga bahagi ng Young Farmers Challenge (YFC) Program na nagsimula pa noong 2021.

Layunin nito ay upang himukin ang mga kabataang nasa edad 18 hanggang 30 taong gulang kasama na ang mga out of school youth, upang makilahok sa mga aktibidad na may kaugnayan sa agrikultura, agribusiness at agri-entrepreneurship. Gayundin upang maging kasosyo ng DA para sa Sustainable Development.

Ang nasabing programa ay nagbibigay ng Start-up capital sa mga kabataang magsasaka na nanalo sa aktibidad.

Advertisement

Samantala, maraming mga kabataang magsasaka sa nasabing bayan ang nagtagumpay sa nasabing aktibidad simula noong 2021, kaya ito ang unang nakatanggap ng naturang benepisyaryo sa buong Bicol Region, para sa pagtatayo ng gusali bilang young farmers technology incubation center na magsisilbing training hub ng mga kabataan ng nasabing lalawigan.

Kaugnay nito, taong 2021, nasa 63 kabataan ang lumahok dito at isa ang nakapasok sa final sa National level.

Noong 2022, 88 na kabataan at isa rin ang naging finalist at noong 2023, 46 na kabataan ang nabigyang ng kapital habang noong 2024, 46 na kabataan ang mga benepisyaryo.

Ngayong taon, target ng ahensya na makapagbigay ng kapital sa 52 Kabataan na nagkakahalaga ng P80,000 hanggang P300,000.

Advertisement