Kinumpirma ni Senate President Sherwin Gatchalian na maaari nang ma-access ng publiko ang lahat ng dokumentong may kaugnayan sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa opisyal na website ng Senado.

Nagdagdag ang Mataas na Kapulungan ng isang Impeachment tab sa kanilang website na nahahati sa apat na seksyon: Prosecution, Defense, Court Issuances, at Journal. Dito makikita ang mga rekord, manifestation, at iba pang dokumentong isinumite sa buong proseso ng paglilitis, na in-upload ng Senate Secretariat bilang impeachment clerk of court.

Ayon kay Gatchalian, layunin ng Senado na tiyaking bukas at malinaw sa publiko ang lahat ng dokumento at ebidensiyang may kaugnayan sa impeachment proceedings. Hinikayat din niya ang mga Pilipino na personal na suriin ang mga impeachment records.

Bagama’t nagsisilbing senator-judges ang mga miyembro ng Senado sa paglilitis, sinabi ng liderato n

Advertisement
Advertisement