NAGA CITY-Patay ang isang lalake sa matapos na pagbabarilin habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Infanta, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Manuelito Batawan Junio, 41 anyos, residente ng Barangay Anoling, General Nakar, Quezon.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakatanggap ang kanilang istasyon ng tawag mula sa isang concerned citizen, kung saan nagkaroon aniya ng insidente ng pamamaril sa Infanta, Quezon.

Kaagad naman na nag-tungo ang mga awtoridad sa lokasyon upang ma-beripika ang pangyayari.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, nakasakay ang biktima sa motorsiklo nito patungo sa Infanta nang bigla na lamang itong binaril ng dalawang beses sa kanyang katawan ng suspek na nakasakay sa isang sedan.

Kaagad naman aniya na tumakas ang suspek pagkatapos ng insidente patungo ng Real, Quezon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring pamamaril.