NAGA CITY-Timbog ang isang lalake sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 1 Brgy. Tambo, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si alyas Jerry, 52 anyos, residente ng Zone 2, Brgy. Tambo ng nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Police Regional Office 5, napag-alaman na hinuli ang suspek ng kapulisan pagkatapos na makabili dito ang kanilang poseur-buyer ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Nang kinapkapan ang suspek, nakuha pa dito ang 13 pirasong sachet ng pinaghihinalaang shabu at 500 Pesos na ginamit bilang buy-bust money.

Kinakalkulang may kabuuang bigat na 70 grams ang nakumpiskang ilegal na droga, at nagkakahalaga ng 476,000 Pesos.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Pamplona Municipal Police Station para sa karampatang disposisyon.