NAGA CITY- Arestado ang isang 37-anyos na lalaki sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy San Isidro, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Rowel Bravante, 37-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na dati ng imbwelto sa illegal na droga ang nasabing suspek.

Nabatid na dahil sa pinag sanib puwersa ng PDEA ROV, 1st PMFC CSPPO at Pamplona MPS ay matagumpay na nahuli ang suspek.

Base sa imbestigasyon narecover dito ang nasa tatlong small heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu at buy bust money.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.