NAGA CITY – Arestado ang isang indibidwal sa isinagawang search warrant ng mga otoridad sa Barangay Sagrada Familia, Minalabac, Camarines Sur.

Kinilala ang suspek na si Jovie Loñosa, 38 anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nakumpiska sa suspek ang isang hand grenade, pitong piraso ng assorted improvised na baril at 19 bala ng calibre 38 na baril.

Maliban dito, nasamsam din kay Loñosa ang apat na pirasong heat sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek at ang mga nakumpiskang mga gamit para sa karampatang disposisyon.

Samantala, mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act Illegal possession of firearms at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.