NAGA CITY- Arestado ang isang 49-anyos na lalaki matapos ang pagbabanta ng pananaga at umano’y pananamantala nito sa anak ng kanyang live-in partner sa Barangay Itulan, Pasacao, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Sheryl Cristo ng Women and Children Protection Desk o (WCPD), sinabi nitong kamakailan ng i-rescue nila ang live-in partner at anak nito dahil sa banta sa seguridad ng mga ito dahil sa umano’y pananakot ng suspek.

Ayon kay Cristo, agad nilang nirespondihan ang mga biktima na sa ngayon nasa kustodiya ng Women and Children Protection Desk (WCPD).

Samantala, tumanggi naman si Cristo na pangalanan ang mga biktima maging ang suspek dahil sa restriction na umano’y nirerape nito ang anak ng kanyang kinakasama.

Ayon pa dito, tutukan umano nila ang nasabing kaso lalo na kung mapatunayang positibo sa rape ang bata.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa iba’t ibang kaso.