NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos na malunod sa Barangay Sta Rosa Del Sur, Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Marvin Nazareno, 21-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Maria Victoria Regonaos, Deputy Chief of Police ng Pasacao Municipal Police Station, sinabi nito na habang naliligo ang biktima sa dagat ng atakihin ito ng epilepsy na naging dahilan ng pagkalunod nito.

Agad naman umano itong namang dinala sa ospital ngunit ideklara rin itong dead-on-arrival ng mga doktor.

Sa ngayon, panawagan na lamang ng opisyal na maging maingat lalo na ngayong summer season.