NAGA CITY- Naagnas na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Purok 2, Barangay Sta Rosa Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si Reynadlo Calunid, 46-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na nakatanggap ng report ang mga awtoridad hinggil sa pagkakatuklas sa katawan ng biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pinaniniwalaang nabagsakan umano ito ng kahoy habang nagsasagagawa ng iligal na pagmimina sa nasabing lugar.

Tinatayang ilang araw ng patay si Calunid dahil nasa ‘state of decomposition’ na ang katawan nito ng matagpuan.

Sa ngayon, isassailaim naman sa post mortem examination ang bangkay ng nasabing biktima.Top