NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang katawan ng isang lalaki matapos magbigti sa Ragay, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Junnie Magallanes, 49-anyos, residente ng naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na isang Antonio Dela Roca ang nakarekober sa naturang biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagbigti si Dela Roca gamit ang isang fisherman rope loop sa isang puno ng mangga.
Samantala, ayon naman sa mismong asawa ng biktima, nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil sa selos kung kaya umalis ito sa kanilang bahay.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad.