NAGA CITY- Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos magbigti sa Buenavista, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Kenneth Gonzales, 42-anyos, residente ng Sitio 6, Brgy. Batabat Sur sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bago ang insidente, naglayas ang asawa nito na si Myla Gonzales matapos ang kanilang pag-aaway.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na ayon sa asawa nito, ilang beses naman itong nagsend ng mga mesaages sa messenger ni Kenneth na humihingi ng tawad at nag-abiso na ito na magpapakamatay kung hindi pa uuwi sakanila si Myla.

Ngunit, kan pumunta aniya ang isang Randy Magbanlac sa bahay ng biktima, dito na nito nakita si Kenneth na nakabigti at wala ng buhay.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa insidente.