NAGA CITY – Patay ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos na tumalon sa Naga River sa nasabing lungsod.

Nabatid na tinatayang tinatayang nasa edad 35-anyos ang biktima at pinaniniwalaang may problema sa pag-iisip.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Efren Nepomuceno, Punong Barangay ng San Francisco sa Naga City sinabi nito na isa umano sa kanilang mga tanod ang nakakita sa biktima na nakaupo sa ilalim ng tulay, nang bigla na lamang umano itong tumalon sa nasabing ilog.

Kaugnay nito, agad namang tumawag ng rescuers ngunit inabot ng halos nasa 30 minutos bago natagpuan ang katawan ng biktima.

Advertisement

Sinubukan pa umano itong i-revive ng mga rescuers ngunit dahil sa tagal nitong nasa ilalim ng tubig tuluyan na itong binawian ng buhay.

Samantala, dagdag pa ng kapitan, nilagyan na umano nila ng harang ang nasabing lugar upang wala ng makapasok at hindi na gawing tirahan at tambayan ng mga tao ang lugar.

Ang ipinagtataka na lamang ni Nepomuceno ay kung paanong nakapasok ang biktima sa lugar gayong pinababantayan na sa mga tanod ang lugar.

Sa ngayon, mas hihigpitan pa umano nila ang pagbabantay hindi lamang umano sa ilalim ng mga tulay, gayundin ang mga lugar na dapat nabibigyan ng pansin upang hindi na maulit ang naturang insidente.

Lalaki nalunod patay matapos na tumalon sa isang ilog sa Naga City